isang ngiti
isang hikbi
sa mga labi
namumutawi
lubos na kalungkutan
pilit titiisin
lubos na kaligayahan
pipigilin din
sa pagdaan ng oras
magbibilang tiyak
sa panahong lumipas
hindi iiyak
binigay ang lahat
hindi nagkunwari
nang biglang namulat
wala na ang dati
kung maibabalik
walang babaguhin
kung makakaimik
walang sasabihin
kung nagsisisi
sa panahong winaldas
patuloy ikukubli
hanggang sa wakas.
No comments:
Post a Comment