Friday, August 27, 2010

Sa Dulo

(for my own self-preservation)

Sa pagkakataon at pakakamali
Sa mga taong hinintay at bawat sandali
Sa mundong tila tuso at hindi patas
Sa kaligayahang dumaan at pinalipas
Sa labis na pagkabalisa't pagmumuni-muni
Sa paggising sa umaga at pagtulog sa gabi
Sa mga kwentong walang kwenta
Sa mga payong tila binale-wala
Sa mababaw na pagtingin at pagturing sa iba
Sa wagas na pag-ibig na nadarama
Sa buhay na dati handang ilaan
Sa isang desisyong tiyak pagsisisihan
Sa iilan pang darating
Sa susunod
Sa iyo.

No comments:

Post a Comment