Saturday, October 18, 2008

Thinking Out Loud

eh sa wala talagang nangyayari sa akin. basta steady lang. tulog, kain, gym paminsan-minsan pag nagi-guilty na sa sobrang kain... o sige na nga, nagche-check din ng mga plates at papers paminsan-minsan pag nagi-guilty na sa sobrang katamaran. yung pag-aaral, given na yan. parang tinanong mo na rin kung humihinga pa ba ako.

sinubukan kong mag-vegan for 6 hours. kaya masyado. bukas subukan kong 8 hours naman. hehehe minsan nade-depress kase hindi ko mamemorize ang mga provisions ng civil code at hindi ako teacher's pet. siguro kase hindi ako cute at sipsip at kasing fashionista ng mga classmates ko.

i discovered madali lang magpatubo ng pimples, pero ang hirap tanggalin ang scars. char! may subliminal meaning ba 'yon? hahaha i also discovered na masarap pala ang lechon ng loring's... ang reason kung bakit 6 hours lang tumagal pagka-vegan ko.

nag-funrun kame ng mga friends ko last week. marco nag-sponsor, shempre pa-impress kase 4 months na rin ako nag-gi-gym. walang panama ang treadmill. pamaol lang gyapon. buti na lang may congee at saging sa finishline. and i ended up as finisher #219 out of 500-something, in fairness to me.

i have to study bus org tonight and tomorrow night and the morning after tomorrow... basta hanggang magsimula ang exam, i will study. that, my friends, is what you call cramming. actually, hindi ko naman talaga naiintindihan masyado ang concepts ng partnership at agency at trust. babawi na lang ako sa bar. btw, pumasa ako sa first exam. remember how i ranted my heart out in this blog after that exam? OA lang pala ako. hehehe

so ano ngayon kung boring life ko? actually, i see it as a challenge. hanggang kailan ko kaya kaya na ganito lang? kaya ko kaya gawing mas boring pa ang buhay ko? may mas boring pa kaya na life kaysa sa akin? ok lang. i mean, who cares?

1 comment:

  1. Hey! When I get back we will do the Marco Polo funrun...I miss it.

    ReplyDelete